Friday, June 1, 2018

A Woman Who Can't Be Moved

I am not good in English. I always struggle whenever I try to communicate using the language, especially to our expat bosses. But for this blog entry, I will try my best to exclusively use Uncle Sam's vernacular. Because I am solely dedicating this to someone, a mere acquaintance, who is beginning to gain my admiration.

You see, this woman has a very good command of English. I am amaze at how she weaves words to create a touching, powerful masterpiece. I admire not just her ability to write but more so the content of her writings. I feel envious that she can clearly convey her message, so powerful and potent that you can do nothing but be moved and inspired. 

I do not have access to her inner circle, but whenever I get the chance to read her posts, her thoughts and opinions vividly illustrated in every words, it seems that I am able to see her soul. She was such a woman who practically knows what she wants and what she deserves, and does not settle for anything less.

Her convictions about the world, the good and the bad, are being reflected in her everyday dealings. She works hard, because like me, she is a mom, but she does not allow a rotten system get to her. Her ideals were kept intact, despite the predominance of a corrupted structure in every organization she gets herself into.

Much as I want to join her in her quest to establish a clean, corrupt free system, for the benefit of our children, there are situations that hinders me from doing so. I have very limited potential, unlike her where possibilities are endless. We belong in an opposite job market, I though deem dynamic, in a mostly inclusive industry, she, on the other hand in a vast, fast growing industry.

I hope that her tribe increases, because the world needs the likes of her. I pray that no matter how strong the temptation is, she will remain enduring and steadfast in her beliefs, her values intact. I promise to join her eventually, and together, we will try to change the world, in our own little ways.





Tuesday, May 29, 2018

Ang Diary ng Isang Mommy

I am a working mommy. Malayo sa mga anak most of the time, actually minsan sa isang lingo ko lang sila nakakasama. Mas marami yong oras na ang kasama namin sa bahay ang nag-aaruga sa mga anak ko. Katuwang ng aking nanay, sila na ang tumatayong magulang habang abala kaming mag asawa na nagtatrabaho para sa kanilang kinabukasan.

Mahirap ang sitwasyon na ganito. Madalas tumutulo ang luha ko, lalo sa mga times na may lagnat sila, hindi masyado naggagatas, ayaw kumain at marami pang maliliit na oportunidad na dapat ako ang kasama nila. 

Maraming beses ng inisip kong tumigil na sa pagtatrabaho at maging nanay muna sa mga anak ko. Maliliit pa sila, ito yong mga panahon na kailangang kailangan nila ng patnubay para maging maayos ang pundasyon ng pagkatao nila later on, pero palagi kong iniisip yong buhay na maibibigay namin kung wala kaming sapat na ipon para sa future nila. 

Palagi kong dasal na sana bigyan ako ng Panginoon ng pagkakataon na maging nanay and at the same time mabigyan sila ng magandang buhay. Yong sitwasyon na work tapos naalagaan ko pa sila. Pero sa klase ng trabaho ko, na walang permanenteng base, ang hirap.

Sabi ng isang doktor, God will provide. I need to choose my children over anything else. Easier said, ang hirap gawin. But her words keep ringing in my ears - "kung hindi sila naging mabuti paglaki, hindi mo na maibabalik yong panahon para baguhin kung anuman yong naging mali".. Very true, at iyon ang biggest fear ko. I fear na lumaki silang may hinanakit sa amin kasi madalas wala kami sa tabi nila. I fear na lumaki silang salbahe kasi nagkulang ako ng panahon na itama yong pagkakamali nila habang bata pa. 

Hindi pa nila maiintindihan pero sana paglaki nila, maunawaan nila kung bakit kailangang gawin ni mommy at daddy ito. Kung bakit hindi sa lahat ng panahon nasa tabi nila kami. Kung bakit si lola nanay o si tita ang madalas na kasama nila. 

Hindi parin ako tumitigil sa paghiling sa Panginoon ng pagkakataon na sana mabuo na pamilya ko. Yong magkakasama kami sa pagtulog. Yong natuturuan ko sila ng kanilang assignment, yong nakikita ko yong mga milestone ng maliit ko. Yong matuturuan ko mgbike yong maliit kong binata. Yong nayayakap ko sila palagi. Yong ako yong matatakbuhan nila pag may bully sa school.

I am a working mom, and I intend to keep working until such time that I have enough to keep my children's future secure. But I hope I could do it while being with my kids din. Yong kasama ko na sila. That at the end of the day, pwede ko silang yakapin para maibsan yong pagod at stress sa trabaho. Napasimpleng pangarap ng isang ina. Pagpalain nawa kami ng ating Poong Maykapal.




 

May Disadvantage Ba ang Pagiging Mabait?

Likas sa akin ang pagiging mapagtiwala. I always believe in the goodness of everyone, ang lahat ay may kabutihang itinatago, yan ang lagi kong pinapaniwalaan. But there are instances na hindi ito totoo pala. Hindi totoong lahat ng tao ay may mabuting kalooban, merong iba na sadyang mapanlinlang at kaligayahan ang makalamang sa kapwa.

Sa mundo ng trabaho ko, hindi uso ang maging mabait daw. Sa mundong, dinodomina ng mga kalalakihan, kailangan mong maging matapang at huwag maging sensitibo. 

Sa workplace, kailangan mong makisalamuha sa libong ibat ibang uri ng tao. Iba ibang pag-uugali at kinagisnang asal at kultura. Ang hirap tantyahin kung paano mo pakitunguhan ang bawat isa, pero gaya ng sabi ko, naniniwala ako na ang bawat isa ay may kabutihan sa kanilang puso. Kaya iyon ang aking pundasyon. Pero hindi pala pwede ang ganun. Hindi lahat ay kayang ibalik ang iyong kabutihan. Nakakalungkot na ang iba ay kayang suklian ng hindi maganda ang tiwala at pagmamahal na binibigay sa kanila.

Sa maraming beses na ako ay nadisappoint, nasaktan dahil hindi naging sapat ang maayos na pakisama para makuha ang mga inaasahan nating resulta, natutunan kong may disadvantages din pala ang pagiging mabait. Kadalasan ang ending ay umaabuso ang ilan, hindi na nila ginagawa ang tama sa kadahilanang wala namang magagalit sa kanila. Maling kaisipan, subalit talamak yan sa lipunan. 

Sa kaibuturan ng aking puso, umaasa parin ako na sana magkaroon ako ng sapat ng lakas at pamamaraan para sana mabago ang ganitong kalakaran. In my heart, I will remain to be kind to everyone, not for anything else, but because that is who I am. My leadership will not be defined by how my team performed, but how I changed my people. Gusto kong gawin nila ang isang bagay dahil sa gusto nilang gawin at nakikita nila ito bilang paraan to better themselves. Gusto ko na mabigyan sila ng tamang rason to perform well. 

Hindi maganda ang workplace na puno ng galit at kalituhan. Hindi tama ang araw araw na nagbibigay ng salita sa mga tao dahil sa hindi nila ginawa ng tama ang mga bagay bagay. Ang hirap gumising sa umaga na ang nilolook forward ay stress at pressure. I already have enough grey hairs para dagdagan ko pa. Dalangin ko na lang na sana, kaya pang mabago ang lahat.







Ang Manunulat na Hindi Sadya

Simula ng ako'y natutong magbasa, alam ko ng gusto ko ring magsulat. Medyo magulo, but please allow me to explain kung bakit ko nasabi.

Sa bawat pagkakataong nakakabasa ako ng mga akdang pumupukaw sa aking kaisipan at umaantig sa aking damdamin, ngkakaroon ako ng mithiing iparamdam rin ang mga ganoong emosyon sa iba. Alam mo yong, you wanted to share with everyone how a certain novel made you cry, how it made you realize how good life is, parang ganun. Ang saya ng pakiramdam pag naitatawid mo yong magandang pakiramdam sa ibang tao. May ganung fulfillment pala.

Maraming beses ko ng sinubukang magsulat, maraming draft, marami raming papel na ang nasayang kasi palaging pakiramdam ko hindi ko alam kung paano magsimula, or siguro hindi ko alam kung paano ko ba talaga gagawin. Ang hirap, wala akong topic na alam kong pwedeng makapukaw sa atensyon ng iba. May mga apprehension na baka pagtawanan lang kapag nabasa, or worst baka ako lang din ang babasa kasi walang magiinteres na magbasa.

But who cares dba, at the end of the day yong pagkakataon na mailabas yong saloobin at masabi kung anong gustong sabihin ang importante. Magsusulat ako kasi gusto kong ilabas ang mga bagay bagay na nararanasan ko. Isusulat ko yong mga pagkakataong may natutunan akong bago mula sa mga araw araw na blunders ko, mga munting kaligayahan ko sa buhay, mga maliliit na pangarap na natutupad.

Isa lang naman ang hiling ko: sana may mga taong makakadiskubre nito at samahan ako sa panibagong paglalakbay na tatahakin ko. Naway may ma-inspire ako na wag sumuko sa mga bagay na pinapangarap. 

Pangarap ko ang magsulat - at ito ang umpisa ng katuparan ng isang pangarap. Samahan nyo po ako sa aking paglalakbay.


A Woman Who Can't Be Moved

I am not good in English. I always struggle whenever I try to communicate using the language, especially to our expat bosses. But for this b...