Tuesday, May 29, 2018

Ang Manunulat na Hindi Sadya

Simula ng ako'y natutong magbasa, alam ko ng gusto ko ring magsulat. Medyo magulo, but please allow me to explain kung bakit ko nasabi.

Sa bawat pagkakataong nakakabasa ako ng mga akdang pumupukaw sa aking kaisipan at umaantig sa aking damdamin, ngkakaroon ako ng mithiing iparamdam rin ang mga ganoong emosyon sa iba. Alam mo yong, you wanted to share with everyone how a certain novel made you cry, how it made you realize how good life is, parang ganun. Ang saya ng pakiramdam pag naitatawid mo yong magandang pakiramdam sa ibang tao. May ganung fulfillment pala.

Maraming beses ko ng sinubukang magsulat, maraming draft, marami raming papel na ang nasayang kasi palaging pakiramdam ko hindi ko alam kung paano magsimula, or siguro hindi ko alam kung paano ko ba talaga gagawin. Ang hirap, wala akong topic na alam kong pwedeng makapukaw sa atensyon ng iba. May mga apprehension na baka pagtawanan lang kapag nabasa, or worst baka ako lang din ang babasa kasi walang magiinteres na magbasa.

But who cares dba, at the end of the day yong pagkakataon na mailabas yong saloobin at masabi kung anong gustong sabihin ang importante. Magsusulat ako kasi gusto kong ilabas ang mga bagay bagay na nararanasan ko. Isusulat ko yong mga pagkakataong may natutunan akong bago mula sa mga araw araw na blunders ko, mga munting kaligayahan ko sa buhay, mga maliliit na pangarap na natutupad.

Isa lang naman ang hiling ko: sana may mga taong makakadiskubre nito at samahan ako sa panibagong paglalakbay na tatahakin ko. Naway may ma-inspire ako na wag sumuko sa mga bagay na pinapangarap. 

Pangarap ko ang magsulat - at ito ang umpisa ng katuparan ng isang pangarap. Samahan nyo po ako sa aking paglalakbay.


No comments:

Post a Comment

A Woman Who Can't Be Moved

I am not good in English. I always struggle whenever I try to communicate using the language, especially to our expat bosses. But for this b...