Tuesday, May 29, 2018

Ang Diary ng Isang Mommy

I am a working mommy. Malayo sa mga anak most of the time, actually minsan sa isang lingo ko lang sila nakakasama. Mas marami yong oras na ang kasama namin sa bahay ang nag-aaruga sa mga anak ko. Katuwang ng aking nanay, sila na ang tumatayong magulang habang abala kaming mag asawa na nagtatrabaho para sa kanilang kinabukasan.

Mahirap ang sitwasyon na ganito. Madalas tumutulo ang luha ko, lalo sa mga times na may lagnat sila, hindi masyado naggagatas, ayaw kumain at marami pang maliliit na oportunidad na dapat ako ang kasama nila. 

Maraming beses ng inisip kong tumigil na sa pagtatrabaho at maging nanay muna sa mga anak ko. Maliliit pa sila, ito yong mga panahon na kailangang kailangan nila ng patnubay para maging maayos ang pundasyon ng pagkatao nila later on, pero palagi kong iniisip yong buhay na maibibigay namin kung wala kaming sapat na ipon para sa future nila. 

Palagi kong dasal na sana bigyan ako ng Panginoon ng pagkakataon na maging nanay and at the same time mabigyan sila ng magandang buhay. Yong sitwasyon na work tapos naalagaan ko pa sila. Pero sa klase ng trabaho ko, na walang permanenteng base, ang hirap.

Sabi ng isang doktor, God will provide. I need to choose my children over anything else. Easier said, ang hirap gawin. But her words keep ringing in my ears - "kung hindi sila naging mabuti paglaki, hindi mo na maibabalik yong panahon para baguhin kung anuman yong naging mali".. Very true, at iyon ang biggest fear ko. I fear na lumaki silang may hinanakit sa amin kasi madalas wala kami sa tabi nila. I fear na lumaki silang salbahe kasi nagkulang ako ng panahon na itama yong pagkakamali nila habang bata pa. 

Hindi pa nila maiintindihan pero sana paglaki nila, maunawaan nila kung bakit kailangang gawin ni mommy at daddy ito. Kung bakit hindi sa lahat ng panahon nasa tabi nila kami. Kung bakit si lola nanay o si tita ang madalas na kasama nila. 

Hindi parin ako tumitigil sa paghiling sa Panginoon ng pagkakataon na sana mabuo na pamilya ko. Yong magkakasama kami sa pagtulog. Yong natuturuan ko sila ng kanilang assignment, yong nakikita ko yong mga milestone ng maliit ko. Yong matuturuan ko mgbike yong maliit kong binata. Yong nayayakap ko sila palagi. Yong ako yong matatakbuhan nila pag may bully sa school.

I am a working mom, and I intend to keep working until such time that I have enough to keep my children's future secure. But I hope I could do it while being with my kids din. Yong kasama ko na sila. That at the end of the day, pwede ko silang yakapin para maibsan yong pagod at stress sa trabaho. Napasimpleng pangarap ng isang ina. Pagpalain nawa kami ng ating Poong Maykapal.




 

No comments:

Post a Comment

A Woman Who Can't Be Moved

I am not good in English. I always struggle whenever I try to communicate using the language, especially to our expat bosses. But for this b...